Paglapag pa lang ng sinakyang airplane ni Jade. Sobrang lakas na ng kaba sa kanyang dibdib. Muli na naman n'yang masisilayan ang bansang mahal. Lihim na umaasa ang pusong sanay may magandang biyayang maging hatid ang muli n'yang pagbabalik. Iginala n'ya ang tingin sa paligid para makita nang maayos ang view. Naramdaman n'ya ang biglang paghawak ng kanyang anak sa kanyang braso. "Mommy, dito na po tayo pupunta?" tanong ni James. "Yes, baby. Were here!" sabi n'yang nakangiti at bahagyang pinisil ang pisngi nito. "Ang ganda po rito," sabi naman ni Jane na nakatingin sa labas na view. "You like here?" tanong n'ya sa kambal. "Yes, po!" magkasabay na sagot ng kambal at tumango, habang inililibot ang tingin sa paligid. Lumapit sa tabi ng mga ito ang kani-kanilang mga yaya. Habang s'ya nama

