Time check: 8:35, NEW YORK TIME. Abala ang lahat sa pag-pe-prepare nang pagdarausan nang ga-gawing pagrampa ng mga bagong modelo para sa mga bagong gawang outfit ng sikat na sikat na fashion designer na si Jade. Hindi magkandatuto ang mga staff sa dami ng mga kailangang gawin at ihahanda. Ganap na alas-nueve ng gabi ga-ganapin ang palabas. Naroon din si Jade para personal na i-check ang safety ng mga modelo. At kagaya rin ng dati, s'ya pa ang nananatiling star ng sariling palabas kasama ang kanyang maliliit na tsikiting. "Why don't you take a rest first?" sabi ng kanyang assistant. "Narito naman kami para siguruhing magiging maayos ang event mamaya. Tiyak namang puyat na naman kayo mamaya, so, mas makakabuti kung ipahinga mo muna ang sarili mo. May mga tao naman na titingin d'yan. Sak

