"Maiwan ko muna kayong dalawa rito, ha? A-ayusin ko lang ang almusal natin," paalam ng mommy n'ya sa kanilang dalawa. "Kailangan ko na rin umalis. May maaga pala akong gagawin mamaya sa field," Narinig niyang paalam ng Kuya Ted n'ya at mabilis pang hinigop ang laman ng baso nito. Halata ang pagmamadali sa mga kilos nito. Nangunot ang kanyang noo, at nagsalubong ang mga kilay. 'Iniiwasan ba ako nito?' piping tanong n'ya sa sarili. "Naku, kumain ka na muna! Maaga pa naman, mas mabuting may laman ang tiyan mo," ang mommy ulit. "Doon na lang, ho, busog pa naman po ako," muling tanggi nito na hindi naman dati nito ginagawa. "Galit ka ba sa akin?" seryosong sabi n'ya at parang gusto niyang maiyaksa nakikitang pag-iwas nito. Kahapon lang ang init ng halikan nila tapos uuwi ito para lang ipa

