Mabibilis ang mga kilos na ginawa ni Ted nang mga sumunod na sandali. Kailangan niyang magmadali bago pa man s'ya magkasala sa lasing na dalaga. Mahirap pigilin ang nararamdaman niyang tawag ng laman sa nakikitang alindog sa harapan. Butil-butil na ang pamamawis n'ya pati na ng kanyang hubadbaro na katawan.Matapos n'yang mapunasan ito. Mabilis niyang isinuot dito ang kinuhang blusa. "Hmm..." ungol nito ngunit nanatiling nakapikit. Bumiling ito ng higa sabay nang pagdantay ng makinis nitong binti sa ibabaw ng kanyang binti na nakapatong sa ibabaw ng kama, dahil sa pagkaka-upo n'ya sa gilid nito. Bahagyang nalilis ang laylayan ng suot nito. Nagdala ng ibayong init sa katawan n'ya ang naging pagkiskis ng balat nito sa bandang ibaba n'ya na pilit bumubukol sa harap nito. Pigil ang hininga

