CHAPTER THREE - DINNER

1845 Words
Bumaba si Jade ng kusina matapos ayusin ang sarili. Tanging jeans at t- shirt na kulay dilaw ang isinuot niya at inilugay na lang ang kanyang mahabang buhok. Bahagya rin siyang nag-apply ng manipis na lipstick at powder sa mukha. Busy ang kanyang mommy sa paghahanda ng pagkain sa mesa nang mapasukan niya ito. "Pakiayos mo na muna sa mesa ang salad na nasa ref," utos nito sa kanya. Nakasimangot na tinungo n'ya ang ref at inilabas ang malamig na salad. "Judelita, ayusin mo nga 'yang mukha mo, ha? Baka ganyan ka na naman haharap sa bisita natin mamaya. Alalahanin mo, girlfriend ng Kuya Ted mo ang kasama niya, kaya dapat naman presentable kang haharap sa kanila. Hindi 'yang ganyang sambakol na naman ang hitsura ng mukha mo," At bahagya pa nitong dinutdot ang kanyang noo. "Mommy, naman ako na naman ang nakita mo. Ba't ba kasi ako na lang lagi ang napapansin mo? Pero si kuya kahit na sobrang masungit hindi mo naman ginaganyan," nakangusong sabi niya sa kanyang ina. "Aba, ang kuya mo maayos na nagta- trabaho at laging pagod. Ikaw naman puro lakwatsa na lang ang inuuna. Pati 'yang pag-aaral mo ni hindi mo na nga tinapos!" sermon nito sa dalaga. "Hindi mo ba naiisip na balang araw kailangan mo rin ang mga iyon? Ano na lang kung wala na ako, sino na ang mag-aalaga sa 'yo? Sa tingin mo ba, may magti-tyaga sa ugali mong ganyan? Ayusin mo 'yang sarili mo at hindi ka na bata, may isip ka na naman na. Para rin naman sa 'yo ang mga sinasabi ko. Darating ang araw na maiintindihan mo rin ako," ani kanyang ina. Napangiwi s'ya sa mga sinabi nito. Wala naman siyang hilig sa pag-aaral ngayon at puro barkada na lang ang inaatupag niya ng panahon na nag-aaral pa siya. At nang magsimula na silang lumipat ng kanyang mommy sa dati nitong bahay matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, nagsimula na rin siyang magkaroon ng malaking crush sa Kuya Ted niya. Mas natuon ang sarili niya sa pagpapa-pansin rito kaya lang saksakan naman ng sungit at suplado ito. Malaki ang agwat ng mga edad nila, ngunit masasabing isa na itong successful businessman. May mga branch na rin ang negosyong sinimulan nito. Malayong-malayo rin ang pagkakaiba nila sa mga bagay at aktibidad. Parehong negosyante ang kanyang mga magulang ngunit sa edad niyang seventeen ay naghiwalay rin ang mga ito. Nagsimula siyang magtampo sa mga magulang at itinuon ang panahon at oras sa barkada, nightout at outing. Kahit ang pagliban sa klase ay dumalas na rin. Nanirahan sa America ang kanyang ama kasama ang bago nitong pamilya. Habang nanatili siya sa poder ng kanyang ina at dito niya nakilala si Ted na anak pala ng Mommy niya. Ngunit kung bakit hindi naman niya mapigil ang sarili na magkaroon ng kakaibang atraksyon dito. Parang nainis pa siya lalo rito nang ipagdiinan pa ng mommy niya na girlfriend ng kuya niya ang kasama nito. 'Ouch! ang sakit naman,' bulong niya sa kanyang sarili na nakangiwi. Naupo siya sa isang silya na nakaharap sa mesa habang nakapangalumbaba. "Aba't naupo ka na kaagad ni hindi mo pa tapos mailapag ang mga pagkain," Puna ng mommy niya na bahagya pa syang niyukod. "Mommy, naman ang dami-dami na ng pagkain na 'yan. Wala naman tayong pa-party para maghanda ng marami. Dalawa lang naman sila at hindi na nila 'yan kayang ubusin. Baka nga hindi pa sila rito kumain, eh!" inis na sabi niya. 'Baka nga iba ang gustong kainin ng mga iyon,' dagdag pa ng maharot niyang isip. "Aba naman, Judelita, alis-alisin mo nga 'yang katamaran mong iyan, ha? Hindi magandang ugali ng isang matinong dalaga iyan," At pinamey-awangan s'ya nito. "Pwede ba naman, Mommy, stop calling me Judelita? Nakakainis, pwede naman Jade na lang," At napapadyak pa siya. "Aba't may gana ka pa talagang magreklamo?" sita nito sa kanya. Sasagot pa sana siya nang biglang bumungad ang kanyang Kuya Ted na nakakunot ang noo. Kasunod nito ang babaeng kasama nito sa kwarto. Muli na namang nadagdagan ang inis niya. Mag ka-krus ang mga braso ng mga ito sa harapan nang sulyapan niya ang dalawa at matalim ang tinging ipinukol niya sa nakitang kamay ng mga ito na magka-holding hands. "Ano bang problema n'yo at malayo pa lang naririnig ko na ang mga boses n'yo?" bungad na tanong ni Ted. "Wag mong intindihin 'yon anak. Pinapangaralan ko lang itong kapatid mo. Naku, sobra kasing tigas ng ulo. Gusto lang ang gusto, hindi naman na siya bata para umasta nang ganyan." Nakita n'yang blangko ang ekspresyon sa mukha ng kanyang Kuya Ted nang bumaling ito sa kanya. Nakita niyang hinagod s'ya nito ng tingin mula baba hanggang taas. "Bakit hindi n'yo na lang siya hayaan na mag sarili muna para matuto naman siya para sa sarili niya? Mas maganda siguro kung paghihirapan muna niya ang dapat niyang kainin at mga gusto niyang bilhin, nang hindi siya umaasa sa binibigay sa kanya. At isa pa para matuto siya sa salitang pagpapahalaga. Baka sakali namang matuto siya sa sariling hirap," malamig at seryosong sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig habang nakatitig rito at tila mabilis na naproseso ng utak niya ang ibig nitong sabihin. 'At nagawa pa talaga nitong sabihin iyon?' protesta ng isip niya. "Pero sino naman sa palagay mo ang tatanggap sa kanya ay ni hindi nga n'ya natapos mag-aral?" nag-a-alalang sabi ng mommy n'ya. "Mas mainam na iyon, para matuto s'ya," At humila ito ng bangko at iginiya paupo ang babaeng kasama. Matapos humila rin ng sarili nitong upuan at sumandok ng pagkain na hindi na nag-abala pang sumulyap sa kanya at ayain siyang kumain. "At sino ka naman para sabihin at iutos yan?" nang-uuyam niyang sabi rito. Nahinto ang gagawin sana nitong pagsubo matapos marinig ang sinabi n'ya. Akala n'ya tatapunan s'ya nito nang sulyap pero hindi. Nag-kibitbalikat lang ito at itinuloy muli ang pagsubo. "Nagagawa mo bang sabihin 'yan dahil sa may kaya ka nang ipagyabang na trabaho mo?" masakit sa dibdib na sabi niya rito habang hindi inaalis ang titig sa lalaki. "Judelita! Ang bibig mo, nakakahiya sa kasama ng kuya mo," saway sa kanya ng ina. "Nakakahiya? Sino ba ang mas nakakahiya sa aming dalawa, ha Mommy? Porket may trabaho na s'ya ganyan na lang kung tingnan n'ya ako? Napakawalang kwentang tao na, ganon?" hindi n'ya maiwasang tumulo ang luha. "Ganyan mo ba ako laitin dahil wala akong matinong trabaho at palamunin lang rito? Na hindi ako nakatapos at puro lakwatsa ang nasa utak? 'Yun na ba 'yon? E, ikaw ba, anong tingin mo sa sarili mo? Diyos? Masyado kang perpekto sa sarili mo na hindi naman dapat. Wala ka naman alam at pakialam sa damdamin ng iba, kahit nga 'yang mga babaeng itinatabi mo sa kama gabi-gabi," marahas niyang pinahid ang luha at bumaling sa babaeng katabi nito. "Kaya ikaw, 'wag kang umasang seseryosohin ka rin n'yan! Sigurado ako, pantanggal init ka rin lang n'ya kagaya ng iba d'yan!" At marahas siyang tumayo at padabog na umalis sa hapag. "Judelita!" ang mommy n'ya. Hindi na n'ya pinansin pa ang pagtawag nito at mabilis na pumasok ng sariling silid. Naiwang awang ang bibig at tulala ang Kuya Ted n'ya at ang ina, pati na ang babaeng kasama nito. Tiimbagang na napahigpit ang hawak nito sa kubyertos na tila ba doon n'ya ibinubuhos ang sama ng loob. "Naku, pasensya na kayo, ha? Ganyan talaga ang ugali ng batang 'yan!" hinging paumanhin ng mommy n'ya at bumaling sa babaeng nawalan na yata ng gana na kumain sa mga sinabi n'ya. "Pasensya ka na, iha, may sa topak lang talaga ang batang iyon. wag mo na lang intindihin." "Mukha nga po, he.. he.." tila napipilitan na sabi nito na bahagya pang tumango. Walang imik na ipinagpatuloy ng kanyang Kuya Ted ang kanyang pagkain. At ang babae naman tila nawalan na rin ng gana sa pagkain. Mahabang katahimikan na ang sumunod sa kanilang tatlo. "Ah, kumain ka pa, oh. Ito masarap rin ito tikman mo," alok ng mommy sa adobong manok sa babae para maiba ang tema at maalis ang nakabibinging katahimikang namayani sa loob ng hapag. "Hindi na, ho, ok na ho ako," tanggi ng babae. "Ha? Sigurado ka ba talagang busog ka na? Baka naman nadala ka lang nang mga sinabi ng anak ko kanina? Halos wala ka pang kain, oh!" At itinuro pa ang kanyang plato na bahagya lang nabawasan ang pagkain. "Salamat na lang, ho, okey na ho talaga ako," Ar ngumiti ito ngunit alam ng mommy niya na pilit lang ito. "Naku, para maiba naman, kasi ngayon lang kita nakita, maari bang kwentuhan n'yo ako nang tungkol sa relasyon n'yo?" pilit lang na nagpapasaya ang mommy ni Jade sa mga ito. May tipid na ngiti sa labi ang babae at malamlam ang mga matang tumingin kay Ted na bahagyang natigilan. "Ah, ehem," hindi alam ng babae ang sasabihin, lalo na at hindi rin nagsasalita ang katabi. Hindi naman nagpumilit ang ginang at muling iniba ang paksa, hanggang sa matapos sila maghapunan. Samantalang si Ted nanatiling tahimik at walang imik na hanggang sa maubos nito ang pagkain. Matapos kumain, nagpaalam ang dalawa na lalabas muna. "Dito ka ba matutulog, anak?" pahabol tanong ng mommy n'ya. "Hindi ko ho sigurado, Ma. Pero pipilitin ko pong makauwi," At humalik ito sa pisngi ng mommy niya bago umalis. "Ah, sige mag-iingat ka sa labas, ha?" paalala nito. "Sige po, mauna na kami." "Sige" At bahagya pang kumaway ang ina na napabuntong hininga. Inayos lang muna saglit nito ang kusina bago pinuntahan ang anak na si Jade. Inis na inis si Jade pagpasok pa lang ng kanyang kwarto. Inis na tinanggal n'ya nag kanyang suot na sandalyas at ibinato ito sa kung saan man tumama. Sa malas, natamaan nito ang picture ng kanyang Kuya Ted na ini-ingat ingatan niyang kinuha pa sa kwarto nito. Mabuti at hindi nabasag ang frame nito matapos malaglag sa makapal na karpet ng silid. 'Nakakainis ka talaga, at sinabi mo pa talaga 'yun, ha? Hello... eh, kung basagin ko kaya 'yang balls mo, ha? Tingnan ko lang kung may ipagyabang ka pa. Haist!' bulong n'ya sa sarili at inis na pinitik ang mukha nito sa frame na kanyang muling sinimot sa lapag. 'Ang yabang mo, tiyak makukuha ko rin atensyon mo. Tingnan ko lang kung hindi mo rin ako habulin. Ahhh...' at sinabunutan pa ang sarili. Ibinato ang frame sa gitna ng kanyang higaan at dumapa saka inihampas ang mga kamao sa ibabaw nito sa pagpipigil ng kanyang inis. 'May araw ka rin sa akin,' Nakadapa s'ya habang nagta-tantrums nang makarinig s'ya ng katok sa kanyang pinto ng silid. "Judelita, mag-usap nga tayo. Buksan mo muna ito!" boses ng mommy n'ya. "Go away!" Sabi n'ya na bahagya pang inihampas ang palad sa ibabaw ng malambot na kama. "Mag-usap muna tayo sandali," Ngunit matigas s'ya at ni hindi natinag sa kanyang pagkakahiga. Tumihaya s'ya at tumingin lang sa kisame habang tila nag-iisip. Nasa ganoon s'yang pwesto nang bumukas ang pinto, napabalikwas tuloy s'ya nang bangon at inis na hinarap ang pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD