CHAPTER FOUR - INSIDE HER ROOM

1684 Words
"Ikaw na naman? Akala ko ba magkasama kayo ng lovely dubby mo?" inis niyang sabi sa taong bumungad sa pinto. Walang anumang salita s'yang narinig dito, ngunit nakakapaso ang tinging ibinigay nito sa kanya. Malamig at walang emosyon kung palaging humaharap ang kanyang kuya Ted sa kanya. Hindi tuloy n'ya alam kung maganda nga ba s'ya o pangit sa paningin nito. Kasunod nito ang kanyang ina na pailing-iling. Nabuksan nila ang pintuan ng silid n'ya gamit ang duplicate key. Napasimangot tuloy s'ya at muling dumapa sa kama. Wala s'ya sa mood para makipagtalo sa mga ito. "At ano na naman bang drama mong bata ka , ha?" sermon ng mommy n'ya sa kanya. Pero nanatili lang s'yang tahimik at saka bumulong-bulong at pinaikot pa ang kanyang eyeball. Lumapit ang mga ito sa kanya. At naramdaman na lang n'ya nang biglang may pumalo sa kanyang pige. "Aray!" angal n'ya. Mabilis na humarap sa mga ito. "Mommy naman, eh, hindi na ako-" ngunit naputol ang nais pa sana niyang sabihin nang makitang ang Kuya Ted n'ya ang nasa tabi ng kama n'ya habang nakatayo. At ang kanyang mommy naman ay nakasandal lang sa hamba ng pinto ng silid n'ya. Natatameme si Jade at hindi nakaimik. 'Sya ba ang pumalo sa pige ko?' piping tanong niya sa sarili. Agad naningkit ang kanyang mga mata sa inis rito. 'Ano bang akala n'ya sa akin, bata pa para paluin sa p'wet?' Mabilis na tumikwas ang kanyang kabilang sulok ng labi. "Ikaw ba ang pumalo sa akin?" tanong niya na matalim ang tingin n'ya rito. Nagawa pa rin niyang tanungin kahit obvious naman na ito ang gumawa. Kung hindi lang siguro s'ya ginalit nito sa mga sinabi kanina, malamang kinikilig na naman siyang pinagpapantasyahan ito ngayon. "Bakit ba hanggang ngayon kung umasta ka para ka pa ring bata? Matanda ka na naman na at hindi na bagay sa 'yo ang ganyang mga kilos. Maging matured ka naman," malamig at walang emosyong sabi ni Ted na akala mo tatay n'ya kung magsermon. "Wag mo akong igaya sa 'yo, dahil hindi tayo pareho at magkaibang-magka-iba tayo!" padaskol n'yang sagot rito at tuluyang naupo sa gitna ng kama n'ya at humarap rito. "Aba naman, anak, hindi ka naman namin pinalaki ng bastos at para maging ganyan ka sa kuya mo. 'Yan ang nakukuha mo sa kababarkada mo?" Nakahalukipkip ang ina n'ya habang nakasandal sa gilid ng pintuan. "Oo na, ako na lahat! Ako na mali, ako na lagi ang walang kwenta, walang silbi, palamunin, at walang modong anak. Ako na lang lahat, satisfied na kayo?" inis niyang sagot sa mga ito. "Kasi, wala naman ibang magaling kundi 'yang lalaking 'yan," Sabay turo sa kanyang Kuya Ted na nakamasid pa rin sa kanya. Hindi naman s'ya galit rito kaya lang sobrang sama lang talaga ng loob n'ya dahil ang lamig-lamig nang pakikitungo nito sa kanya na akala mo hindi s'ya nag-e-exist. "Huwag kang bastos, Judelita!" tila nag babanta na ang boses ng kanyang mommy. Sasagot pa sana s'ya muli, ngunit pinigil na ang sarili at umingos sa mga ito saka muling ibinagsak ang katawan padapa sa kama. Isinubsob ang kanyang mukha sa kama at lalo pa itong idiniin at tinakpan ng unan ang mga tainga. Narinig n'yang lumapat ang dahon ng pinto kaya ang akala n'ya, lumabas na ang mga ito, nakahinga s'ya nang maluwag. Nang akala niyang tahimik na mabilis niyang inalis ang unan na itinakip sa kanyang mukha at tainga saka muling tumihaya at sa pag-a-akalang mag-isa s'ya sa silid, pabukaka pa n'yang itinaas ang kanyang mga binti at hita. Saka idinipa ang mga braso. Nakasuot lang naman s'ya ng maikling shorts at sando na labas pusod dahil sa init ng panahon na kahit pa nga aircon ang kanyang silid, para pa rin siyang nasa labas ng bahay sa sobrang alinsangan. "Ganyan ka ba talaga mahiga? Wala ka man lang kaingat-ingat sa sarili?" malamig ang boses na sabi ng kanyang Kuya Ted. Mabilis s'yang napamulagat at napasulyap sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki pa lalo ang kanyang mga mata nang makita ito roon sa gilid ng maliit na sopa sa kanyang kwarto at prenteng nakaupo habang naka-de-kwatro. Mabilis s'yang napabalikwas nang bangon. Mariing napalunok s'ya ng laway sa sobrang antisipasyon. Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam lalo pa't biglang sumingit sa kanyang balintataw ang mga maiinit na eksenang nasaksihan n'ya sa silid nito kamakailan lang. Napadako ang mga mata n'ya sa mapupulang labi nito at muling napalunok. 'Gaano kaya kasarap ang mahalikan ng gwapong mokong na 'to?' piping bulong n'ya sa sarili. Wala sa loob n'ya na nailabas n'ya ang dila at bahagyang binasa ang kanyang nanunuyot na mga labi. Heto na naman at gumagana na naman ang kalikutan ng kanyang isip sa tuwing makakaharap ito. 'Kung bakit ba naman kasi napaka-sexy nitong tingnan para sa mga mata n'ya. Ang six pack abs nitong bakat pa sa fit nitong sando na kulay puti. Malalapad na dibdib at balikat na parang ang sarap-sarap sandalan. Dumako ang tingin n'ya sa panga at leeg nito na parang ang sarap-sarap na amoy-amoyin. Sa mga labi nitong may kakapalan ngunit namumula na akala mo binahiran ng lipstick. Tumaas ang kanyang pagmamasid sa mga mata nito at bigla siyang napahiya nang mapansing kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya at tila ba alam na nito ang tungkol sa ginagawa n'yang pagmamasid dito. Agad s'yang pinamulahan ng mukha dala nang pagkapahiya. Mabilis na naiiwas n'ya ang mga mata rito at idinako ang tingin sa pintong nakasara. Napahiya man na nakita n'yang nahuli s'ya nito sa ginagawang pagmamasid pero mabilis pa rin n'yang nabawi ang sarili at kunwa'y galit na sumimangot pa para pagtakpan ang pagkapahiya rito. "Bakit ka pa narito, hindi ba dapat nasa labas ka na?" matabang niyang sabi habang nakatingin sa dahon ng pinto. Gustong-gusto niyang makita ang ekspresyon nito, subalit pilit niyang pinigil ang sarili na lingunin ito. Natatakot s'yang baka kung saan na naman mapunta ang isip niya at muli na naman siyang mapahiya rito. "Pwede bang lumabas ka na?" dagdag taboy n'ya sa lalaki. "Paano kung ayaw ko?" tila nanghahamong sabi nito. Nanlalaki ang matang napalingon s'ya rito. "At ano namang kailangan mo rito, aber?" nanginginit na ang kanyang mukha sa sobrang inis rito. Madhid ba ito? Hindi pa ba nito nakikitang nababastos na n'ya ito dahil sa pagpapantasya n'ya sa tuwing nasusulyapan ang lalaki. Sa bagay, kung ito nga maginoong bastos rin. Kahit sobrang lamig ng asal nito sa kanya heto at patay na patay pa rin s'ya rito. Kung kasalanan man ang kanyang ginagawa, handa naman s'ya, basta bigyan lang s'ya nito ng pansin para naman hindi nagdurugo ang puso n'ya sa bawat ginagawa nitong iwas sa kanya. Panay ang habol at papansin n'ya rito pero panay rin ang takbo at iwas nito sa kanya. Kaya lang mahirap pa ring diktahan ang puso niyang naging alipin na yata nito sa simula pa man. TED'S POV. Matapos niyang maihatid ang babaeng kasama n'ya kanina agad rin siyang bumalik at nabungaran n'ya ang mommy niyang panay ang katok sa pinto ng kwarto ni Jade. Napailing s'ya at lumapit rito. Hinawakan n'ya ang kamay ng kanyang mommy nang akmang kakatok muli ito. Itinaas n'ya ang hawak na bugkos ng mga susi at binuksan ito. Naabutan nilang nakadapa ito sa kama at tanging sexy shorts lang ang suot at strapless na damit na kinulang yata sa tela sa sobrang ikli na tabas na halos kita ang makikinis at maliit nitong beywang. Hindi n'ya nagustuhan ang naging asal nito kanina kaya agad niyang pinalo ito sa p'wet na hindi nya inakalang mamasamain nito at tila tigre kung maka-alsa boses. Matapos na makalabas ang kanyang mommy kanina. Nanatili muna s'ya sa kwarto nito at mabilis na naiikot ang tingin sa paligid. Naupo muna s'ya at dinampot ang isang picture frame na nakapatong at nasa gilid ng maliit na lamesita. At nagulat pa s'ya ng makitang sa kanya ang larawang iyon. Mabilis nyang naibalik ito sa pagkakapatong nang mapansing muling gumalaw ang babaeng nakadapa at tumihaya ito habang nakabukaka na nakaharap pa sa kanya. Kitang kita n'ya ang kulay puting panty na suot nito maging ang bahagyang umangat na damit nito sanhi upang mas lumantad pa ang maputi nitong katawan na halos hindi naitago ng kapirasong tela na suot nito. Napalunok s'ya ng laway ng kanyang maramdaman ang kanyang buddy na biglang umalsa. Mabilis s'yang napaupo upang hindi mapansin ang pamumukol nito sa ibaba n'ya. At malamig ang boses na nagsalita dahilan para mapabalikwas muli ito nang bangon. Hindi nakaligtas sa paningin n'ya ang rumehistrong pagkagulat sa mukha nito at mayamaya ay ang ginawang pagmamasid sa kanya mula dibdib hanggang sa kanyang mukha. Nag-init ang kanyang pakiramdam sa katawan at ang sobrang init ng kanyang pakiramdam ay mas lalo pang dumoble nang madako ang tingin n'ya sa labi nitong binasa ng kanyang dila. Hindi s'ya sigurado kung sinadya ba nito o hindi, ang tanging alam lang n'ya ay dalang-dala ito sa ginagawang pagmamasid sa kanya. Nangunot ang kanyang noo nang mapansing tila wala ito sa sarili at nag-di-daydream nang hindi nito mapansin ang kanyang pagkaway. Abala ito habang naaaliw yatang pinagmamasdan s'ya. Hindi n'ya maiwasang ma-amused sa dalaga sa ginagawa nitong pagmamasid at nakita nang pamulhan ito ng pisngi at mabilis na nag-iwas ng tingin. Pinilit naman niyang itago ang emosyon bago pa man nito iyon mapansin. At pinilit na magsalita sa malamig na tinig nang marinig ang pilit nitong pagtataboy sa kanya palabas ng silid. Pinilit niyang hinamig ang sarili at muli siyang nagsalita. "Hindi pa tayo tapos!" sabi n'ya na ikina-ikot ng mga eyeballs nito at ikinatulis ng nguso. Aliw na aliw s'yang pagmasdan ito sa tuwing makikitang ganoon ang hitsura nito. Ewan ba't gustong-gusto niyang iniinis ito sa tuwing makikita s'ya. Palagi naman niyang napupuna ang mga pagpapansin nito ngunit sinasadya n'yang dedmahin na lang para lalo itong mainis. "Kausapin mong lelong mo," Mabilis siyang tumayo at humakbang palapit sa kama nito na ikinalaki muli ng mga mata nito. "A-Anong gagawin mo? P-pwede ba dyan ka lang?" natatarantang sabi ni Jade. Heto na naman at nag-uunahan na sa pagtambol ang puso n'ya sa sobrang pananabik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD