Nagising si Aikira dahil sa hikab ni Lilian. "Nasaan ako?" tanong ni Lilian sa kaniyang sarili at tinignan ang paligid. nang makita niya si Aikira na nakatingin sa kaniya ay bigla itong nagulat. "Nasaan tayo?" "Nasa kwarto ko." Kumunot ang noo ni Lilian at tinignan ulit ang paligid. "Nasa kwarto mo ako? Ang ganda pala ng kwarto mo eh," nakangiting sabi ni Lilian. nakalimutan ni Aikira na unang beses pa lang pala nakakapasok si Lilian sa kaniyang kwarto. Kaya manghang-mangha ito. "Ang ganda, Aikira. Sana meroon akong kwarto na ganito." Tumayo si Lilian at nilibot ang kwarto ni Aikira. "Iba talaga kapag anak ng Mayor," pang-asar ni Lilian kay Aikira, pero hindi naman ito naasar. "Ano ba ang feeling ng isang anak ng Mayor, Aikira? Iparanas mo naman sa akin kahit isang araw lang." "Ha

