"The case is close!" sigaw ng judge at pinukpok na ang wooden hammer para malaman ng mga tao na pwede na silang umalis sa court room. "Ano!?" sigaw naman ni Rodrigo. "Inosente ako! Wala akong alam sa sinasabi ng mga taong iyon! Huwag kayong maniwala sa nga sinasabi nila. Isa akong inosente!" Kahit anong pagpapalag ni Rodrigo ay hindi ito.makaalis sa mga kamay ng dalawang pulis na nakahawak sa kaniya. "Grabe naman pala ang lalaking iyan. Dapat lang sa kaniyang makulong dahil ang dami niya nang nagawang masama sa mga taong nasa paligid niya," bulong na sabi ni Lilian kay Aikira. Hindi naman pinansin ni Aikira si Lilian dahil nakatingin lang si Aikira kina Nicole at Venice. Sila ay magkayakap at umiiyak dahil nanalo sila sa kaso. Naiinggit siya kay Nicole dahil meroon itong Nanay na ha

