“Ano nga ulit ang pag-uusapan natin?” tanong ni Heraldo kay Cecilia. Ang totoo niyan ay masaya siya dahil nakita niya na ulit ang asawa niya. Ang akala niya ay hindi niya na makikita ang babae, pero ito sila ngayon nakaharap sa isa’t isa. “Gusto ko lang sana humingi ng pabor, Heraldo,” nahihiyang sagot ni Cecilia. “Anong pador mo ba ang kailangan mo? Kung kaya ko pwede naman kitang tulungan, pero kung hindi ko kaya, Sorry, pero hindi kita matutulungan.” “Tungkol lang ito sa anak ko.” Kumunot ang noo ni Heraldo. “Anak mo lang ba? Ang alam ko iniwan mo ang anak natin sa akin. Nandito ka ba para sabihin sa akin na ibigay sa’yo ang anak ko?” “Hindi ko iniwan ang anak ko sa’yo, Heraldo. Kusa siyang sumama sa’yo at hindi sa akin.” “Pero hindi mo siya pinaglaban na kuhain sa akin hindi ba

