Napahilot na lang si Stevan ng kaniyang noo dahil sa dami niyang iniisip. Ang dami ba naman ang pinapagawa sa kaniya ni Aikira. Samantalang silang dalawa ni Joseph ay nag-aaral lang. Namimiss niya pa naman mag-aral, pero hindi siya binigyan ng misyon ni Aikira na maging estudyante ulit. Sabagay noon nga nagrereklamo siya sa mga guro dahil ang hirap ng mga pinapatest. Tapos ngayon gusto niya na ulit mag-aral? Hindi naman mahirap ang kaniyang misyon dahil nasanay na siya, pero nakakatamad gawin. Siyempre trabaho ang ginagawa niya kaya wala siyang choice kung hindi ang gawin ang pinapagawa ng kaniyang leader. Kaya ito siya ngayon nasa harap ng counter sa hospital. Kanina pa siya nandito at hinihintay niya ang tao na pagtatanungan niya kung ano ang number ng babaeng naaksidente kahapon. M

