“Ang akala ko wala ka nang feelings sa pinsan ko,” seryosong sabi ni David habang nagdadrive ng kotse papunta sa pupuntahan nila. “Wala na, let’s not talk about him. Nasisira ang araw ko sa tuwing pinag-uusapan siya.” Napailing na lang si David sa sinabi ni Aikira. Siguro nga wala nang feelings si Aikira kay Daven dahil ilang taon din naman silang hindi nagkita. Papaniwalaan niya na lang si Aikira na wala na itong feelings. Dahil parehas silang hindi mahilig magsalita. Ang loob ng kotse ay tahimik. Sa tuwing magkasama talaga silang dalawa ay makakaramdam sila ng payapa dahil wala silang kasama na madaldal. Kaya nga minsan sinasama niya si David sa mga lakad niya kapag pahinga ang pinag-uusapan. Hindi niya langnasama si David noong nagbakasyon siya dahil meron itong ginagawa. Ang akala n

