“Ano na naman ba ang ginagawa mo rito? Hindi ba pinapapunta kita sa Hospital?” seryosong tanong ni Aikira kay Stevan nang makababa siya sa hagdanan. “Kailangan kitang makausap, Aikira. Mas mahalaga pa ito kaysa sa pagpunta ko sa Hospital,” hingal na hingal na sabi ni Stevan. Hindi niya kasi dinala ang kaniyang kotse dahil nasa car wash ito. Kaya nga noong pinatulog niya ang dalawang lalaki kanina ay naglalakad lang siya noon eh. “Siguraduhin mong mas mahalaga pa si Olivia ang sasabihin mo dahil kapag nalaman ko na namatay si Olivia ngayon. Buhay mo ang ipapalit ko sa buhay niya.” Napalunok si Stevan at pinunasan ang kaniyang mga pawis sa leeg at noo. “Alam na ng mga Skull na Nanay mo ang babaeng pumupunta rito sa bahay niyo.” Kumunot ang noo ni Aikira at tinignan ng seryoso si Stevan.

