"Ang sabi mo kapag pumasok na si Samantha ngayon hindi siya ang anak ng master mind." Napabuntong hininga si Aikira kay Joseph at hindi na ito sinagot. Malakas talaga ang kutob ni Aikira na si Samantha ang anak ng master mind. Simula noong tinignan non ang mata ng babaeng 'yun. Nakaramdam agad siya ng kutob, pero hinahayaan niya lang dahil baka nga mali siya nang inakala. Ayaw niya naman mamali ng kutob. Eh 'd naging masama pa siya sa mga mata ng ibang tao. "I'm Attorney Hernandez. I hope may matututunan kayo sa sasabihin ko. Ininvite ako ng guro niyo rito para may maintidihan kayo sa lecture niya bukas. Gusto niya na maging perfect ang inyong score dahil kayo ang Class 1. Handa na ba kayong ma—" Naputol ang sasabihin ng Attorney dahil biglang bumukas ang pintuan ng kanilang classroom.

