“s**t,” bulong ni Jose sa kaniyang sarili nang pigilan siya ng dalawang lalaki na nagbabantay ng kanilang hideout. “Sino ka?” Kumunot ang noo niya at sinagot ang lalaking nasa kaliwa. “Hindi mo ba ako kilala? Ako si Jose Fernan.” Seryoso ba ang mga lalaking ito? Nawala lang siya ng isang araw hindi na siya kilala ng dalawang ito? “Jose? Bakit ka nandito? Ang akala namin nahuli ka na ng mga kalaban. Paano ka nahuli? Nasaan ang mga kasama mo?” Napailing si Jose at hinarap ang dalawang lalaki na tanong nang tanong sa kaniya. “Kung nahuli ako. Sana hindi na ako babalik dito at patay na dapat ako. Ang mga kasama ko ay patay na at ako lang ang nakaligtas. Ayus na ba ‘yun para papasukin niyo ako? Naglakad lang ako papunta rito eh. Gusto ko na magpahinga.” Nang padaanin siya ng dal

