UNTI-UNTING bumukas ang aking mga mata habang ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang mabigat kong ulo. Naranasan ko pa rin ng kaunti ang hilo ngunit mabuti na lamang ay hindi na matindi gaya ng kanina. Napagtanto ko namang nasa guest room ako ngayon. "Huwag ka munang bumangon. Magpahinga ka muna." Tiningnan ko ang nagsasalita. Bumungad sa akin ang asawa ni G. Zamora na kasalukuyang nagbantay sa akin. "Medyo matindi ang pagkabagsak mo kanina kaya mararamdaman mo talaga ang sakit ng iyong ulo. Buti na lang conscious ka na ngayon. Kanina ka pa namin hinihintay na magising." "M-Maraming salamat po, Gng. Zamora. Nasaan po sila Ma'am Wayne, Sir Gino, at Sir Travester?" Ngumisi siya sa akin. "Sina Mrs. Wayne at Mr. Gino, nagpaalam na sila kanina pa na umuwi na dahil alam mo namang buntis iyong k

