Mhalia's POV Ilang oras pa naman ang lumipas hanggang sa nakarating na rin naman kami sa bahay nila Kendrick. Sinalubong naman ako kaagad ni Kendra. "Hi Ate! Thank you for accepting my request ha?" masayang bungad niya sa akin sabay napatitig naman ako sa paligid ng bahay nila. "Ang gaganda naman ng mga dekorasyon niyo." sabi ko habang pinagmamasdan pa rin 'yung mga nakatayong Christmas decorations dito sa labas ng bahay nila. Parang ganoon lang sa bahay nila Thalia. May mga pigurin ni Santa Claus dito sa labas tapos 'yung mga puno nila at mga halaman sa garden ay may mga makukulay na ilaw pa. May mga nakakabit kasing christmas lights. "Of course ate. Yearly may paganiyan dito sa house, remember? Kasama ka pa nga namin minsan mag- decorate. Tapos nagsasabit pa tayo ng mga small arti

