Mhalia's POV "Bakla!!! Oh my!!! Kaloka! Ang ganda- ganda mo lalo!" sigaw ni bakla nang magkita na kami at puntahan na niya ako dito sa bahay. "Ssshhh! Bakla! Huwag kang magsisigaw diyan, baka ano pang masabi mo hahaha." tumatawang bawal ko naman sa kaniya. Syempre baka hindi niya mapigilan 'yung pagsasalita niya at baka may mabanggit siyang patungkol kay Thalia o sa pamilya nito. "Okay... Iba na talaga kapag mayaman no? Siguro ang dami mo na ring afford na skincare ngayon." pabulong na sagot naman niya. Nandito kasi ako ngayon sa kwarto naming magkakapatid nila Sean at Nina. Bale hindi na pala doon natutulog sa kwarto nila sila mama, papa at si Jowela, sama sama na pala sila dito sa kwarto namin at magkahiwalay lang sila ng papag. Nandito naman na ako sa kwarto namin, pumasok sa schoo

