Mhalia's POV Nang makabalik naman na ako sa Albay ay kinumusta naman agad ng mommy at daddy ni Thalia 'yung lola ni bakla. Kaya naman syempre sinabi ko na okay naman na 'yung lola niya. Hanggang sa pinuntahan din naman ako ni Kendrick dito sa bahay nang gabing makauwi na nga ako. Kinabukasan naman. "Okay, mahal. Bye!" paalam naman ni Kendrick sa akin nang matapos na ang pag- uusap namin sa cellphone. Pumunta na lang din naman ako sa restaurant, syempre wala naman akong ibang gagawin dito sa bahay at para malibang din ako doon kahit papaano. Kahit panood- nood lang ako ng mga customer na kumakain doon. Hindi ko pa pala naibabalot 'yung mga rattan bags na para kila mommy, daddy ni Thalia at kay Kendrick at pati na rin kay Kendra. "Ma'am, na- check niyo na po ba 'yung mga records ng m

