Marvin's (Bakla) POV "Heto na po, Ma'am." sabi ko dito sa may nagaasikaso sa may padalahan at kuhanan ng pera. Kagabi kasi tumawag si bakla sa akin. Nagpadala daw siya ng pera sa akin para kila Aling Florida. Panggastos daw nila. Kaya naman bago na rin naman ako pumasok sa trabaho ngayon ay dumaan na ako dito para kuhanin ang pinadala niya. "Sige po, Sir. Hintayin niyo na lang pong tawagin ang pangalan niyo." sagot naman nung babae. Hay nako! Sa pustura kong ito at sa ayos kong ito? Sir pa rin talaga ang tawag nitong si Ate sa akin. Nakakaloka ka ate! "Sige, sige." sabi ko sabay ngiti ng pilit sa kaniya. Hanggang sa ilang minuto pa naman ang hinintay ko at... "Ay fafa..." nakangiting sabi nang may tumabing lalaki sa akin. Napakagwapo. Suminghot singhot pa ako, hanggang sa naam

