Thalia's POV Nang makauwi na sila Mhalia, Alex, Marvin, Kendrick at Phil ay dumiretso lang naman sila dito sa bahay para mag-bonding pa. "Ken pakiabot naman 'yung pang- ihaw." sabi ni Alex kay Kendrick sabay inabot naman ni Kendrick sa kaniya 'yung stainless na tong. Nandito kasi sila ngayon sa likod sa labas ng bahay namin. Magsasamgyeopsal sila habang may mga iniihaw na ibang pagkain pa sila Kendrick at Phil like barbeque, fish, squid and many more. Hanggang sa pinapanood ko lang naman sila. They're so happy. They're so happy even though hindi talaga ako ang kasama nila. "Hay... malapit na mag- new year." sabi ko pa. Nalungkot na naman ako. I feel so sad, as always... "Wait lang kausapin ko lang 'tong tumatawag." pagpapaalam naman ni Mhalia kay Kendrick habang nagpe- prepare sila

