Kendrick's POV Matapos namin mag- out ni Phil sa trabaho ay nagbihis na rin kami dahil sinabihan ko nga siya na okay daw na pumunta kaming dalawa, kasama siya kila Alex. Kanina ayaw pa niya. Ewan ko ba dito, ayaw ba niya nun, baka mamaya magkaroon sila nang seryosong conversation na ni Alex. Alam kong darating din naman kasi 'yung time na magkakaroon sila ng seryosong usapan ni Alex 'yung hindi siya sinusungitan nito. At syempre bilang matalik akong kaibigan nitong si Phil ay nag- kwento na nga rin pala siya sa akin and this is what happened a while ago. *FLASHBACK* Matapos ang byahe namin ni Phil ay bumaba na kami sa eroplano para mag- lunch na rin. Nagpahatid lang ako ng pagkain namin sa opisina dahil mayroon kaming personal cook or chef na binabayaran dito para sa pagkain na gusto

