Kendrick's POV Nandito na kami sa mga puno ng mga mangga ni Thalia. Pinagmamasdan lang naman namin 'yung mga puno sa paligid. "Ah Manong, ano pong tawag sa ganoong mangga?" tanong naman ni Thalia sa isang lalaking nagtatrabaho dito sabay turo niya sa mga bunga nito sa isang puno ng mangga. Alam ko apple mango yata 'yun. "Is that an apple mango po?" tanong ko rin naman dito. Trust me. Tama ang alam ko. "Ah, opo Sir. Tama po si Sir Ma'am, apple mango op ang tawag diyan. Masarap po 'yan Ma'am. Masarap naman po talaga lahat ng prutas dito, kahit anong uwi pa po 'yan." pagmamalaki pa ni Manong. Halata naman na inaalagaan ang lahat ng tanim dito dahil napaka- organize. Mula sa division ng taniman ng gulay at prutas hanggang sa lugar kung saan dadalhin ang mga ito ay may naka- assign para

