Thalia's POV Nandito ako ngayon sa office ni Kendrick. Ilang minuto pa at nandito na rin naman siya kasama si Phil at si... "Cathy?" gulat na sabi ko nang makita ko si Cathy na kasunod ni Phil. Nakakunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan silang umupo dito sa sofa. "Phil, paki- check mo nga kung parating na 'yung pagkain natin." utos pa ni Kendrick sa kaibigan niya. Ngayon pa lang pala sila magte- take ng lunch, it's already 1:30 pm. "Wait, Captain." sagot ni Phil sa kaniya sabay tumayo naman ito at sumilip nga sa labas. "Yes! Here it is!" masiglang sabi pa nito sabay may dalawang lalaking pumasok sa loob ng opisina ni Kendrick at inilapag na rin ang mga pagkain na dala dala nila. "Thank you." pagpapasalamat ni Cathy sa kanila. "Thanks!" sabi naman nila Kendrick at Phil sabay l

