Kendrick's POV "Captain, pwedeng dito muna ako sa office mo? Hintayin ko lang si tito Clint." pagpapaalam ni Cathy sa akin nang makalapag na kami sa eroplano. Medyo napaaga ang pag- out namin ngayon. Si Phil naman ay nauna nang umuwi sa akin dahil masama daw ang pakiramdam niya. "Okay, sige." pagpayag ko naman tsaka na rin kami umupo sa sofa. "Sana okay lang si Phil. Baka nami- miss lang niya si Alexandra? 'Yung kaibigan ni Thalia no Captain?" tanong pa niya. Tumango naman ako. "Yhup, I think so." sagot ko naman. "Ako rin nga Captain eh, medyo nahihilo ako at sumasakit ang ulo ko kanina lang." sabi pa niya sabay masahe nito sa may sintido niya. "What if, mauna ka nang umuwi kay Captain Clint?" tanong ko naman. "Para makapagpahinga ka na rin." "Hintayin ko na lang siya, para may k

