Mhalia's POV "Ganito po kasi 'yun, tito at tita..." panimula na ni Marvin sa pagkukwento sa mommy at daddy ni Thalia. "Galing po ako sa bahay ng kamag- anak ng lola ko, by the way 'yung lola ko na lang po ang kasama ko ngayon sa bahay dahil ulila na po ako. Noong gabi pong 'yun ay pauwi na ako ng Daet at... nakasakay din po ako ng taxi ng gabing 'yun, papunta na po sana ako sa airport pero... napahinto po 'yung sinasakyan kong taxi nang makita na may nakabanggang kotse sa isang napakalaking puno sa gilid ng kalsada at... Ayun po, nakita nga po namin nung taxi driver si Thalia... marami pong dugo... pero... siya lang po ang nakita namin noong gabing 'yun. Hindi ko po alam kung sino ang mga taong gumawa sa kaniya nun, kagaya nga po ng nakita niyo sa sasakyan niya na may ice pick, na naka

