Phil's POV Kita ko ngayon sa mukha nitong si Thalia na na- curious siya kung sino si Cathy. Of course, curious siya dahil wala nga siyang naaalala ngayon hindi ba? Because of the accident happened to her. Kaya naman nang makauwi na rin kami ay tumawag pa sa akin si Thalia. Mukhang hindi yata makakatulog 'to nang hindi nalalaman ang sagot sa tanong niya kaninang nasa office kami ni Ken. "Oh kuwento mo na, dali!" excited na utos pa sa akin ni Thalia nang sagutin ko na ang tawag niya. "Okay wait... Heto na nga... She's Cathy Dela Fuente, ang pamangkin at itinuturing na rin na parang anak ng isa sa mga Head Captain namin na si Captain Cesar. Classmate namin noon si Cathy when we we're in college and doon pa lang ay medyo close friends na kami nila Kendrick pati ang iba pa naming kaklase

