"Its not greed that drives the world, but envy." - Warren Buffet ******** "Maam Bernadette?" Naka tatlong tawag na si Rosie bago nito nakuha ang atensyon niya. "A-Ah.. y-es Rosie. Sorry." Umayos siya ng upo. "You're saying something?" Hanggang ngayon ay tila lutang si Andrea sa mga pangyayari. Ilang araw na rin ang lumipas ngunit walang kahirap-hirap na naka adjust agad si Dylan sa ama at lolo at lola nito. Halos araw-araw na rin ito na ipinasusundo ng mga Montefalco papuntang mansyon. Kulang na lang ay hikayatin siya ng mga ito na tumira na roon. She never saw Dylan so happy. Palaging bukang-bibig nito ay ang daddy niya. Bilhan ba naman ito ng sangkatutak na mamahaling mga laruan. At si Angelo. He's doing his best to win her heart but she's making it impossible for him. Hindi na siya

