" The more you hide your feelings, the more they show. The more you deny your feelings, the more they grow." ******** From the broad crystal window ay tanaw nila ang anak na masayang naglalaro sa malapad na playground ng mansyon. Kasama nito ang mag-asawang Montefalco at ilan sa mga katulong. Makikita ang excitement at kasiyahan sa bata gayundin sa Don at Doña na siyang-siya sa apo. Nasa study room sila sa ikatlong palapag ng mansyon. Doon siya dinala ni Angelo para makapag-usap ng masinsinan. Printeng nakatayo ang binata habang nakasandal sa wooden bookshelves habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay. Nakatingin sa babaeng laman ng kanyang mga panaginip at pangarap sa loob ng halos pitong taon. Who would ever imagine na makikita at makakasama niya ito ulit? His son is a bonus. "An

