“As stated sa ‘ming invitation lahat ay lalakad dito sa ‘ting platform para makapili tayo ng babae at lalaking the best ang outfit ngayon. The prize will be awarded sa ‘ting sponsor na si Senator Gregorio,” sabi ni Zayn, isa ‘yon sa magiging ninong nila sa kanilang kasal. Nagpalakpakan ang mga tao. Lahat ng naroon ay mayroong donation nang naibigay at isa sa highlight ng araw lamang na ‘yon ang magiging prize sa party na ‘yon. Hinawakan ni Florine sa balakang si Zayn, nakalimutan ba nito ang sasabihin nito? “The prize would be two million cash prize!” Sinalo na lamang ‘to ni Florine. Nagpalakpakan muli ang mga tao. Maliit na bagay lang ‘yon sa malaking makukuha nila para sa kanilang charity event. Dahil marami nang atensiyon ang nawawala sa stage ay tiningnan ni Florine ang entrance

