Damang-dama ko ang galit ni Florine sa ‘kin mula ulo hanggang paa. Tama ‘yan, magalit siya at magulat dahil bumalik ako para lamang sa kanya. Sweet ‘di ba? Wala akong planong agrabyaduhin siya, gusto ko lang ipakilala sa kanya kung sino ako lalo na ngayong buntis ako. Kahit kailan, hindi ko gusto ang pakiramdam na naaapi ako. Ang palakpakan na malakas sa ‘kin ay senyales ng nakuha ko ang atensiyon ng lahat. Marami ring flashes kaya alam kong lalabas na ‘ko sa mga news. Nakausap ko na si Lia tungkol sa kanyang ex, galit din siya rito at sumangayon na turuan ito ng leksiyon. Iyong Zayn na ‘yon nasa tingin niya kaagad ang pagnanasa nang husto sa ‘kin. Hanggang doon na lamang siya—umasam nang umasam. Nang matapos ang lahat ay tuwang-tuwa ang dalawang host. Pinag-uusapan ako na kilala raw

