“Claude!” “Huminahon ka nga, ano bang problema?” Natigilan ako. Ano nga bang problema ko? “Hindi kita pinasusundan. Nakilala ka lang ng secretary ko na umattend diyan at kinuhanan ka ng picture. Tingnan mo ang messages niya nang malaman mo.” Tinalikuran niya ‘ko at iniwanan sa kuwarto. Tiningnan ko ang conversation nila. Ms. Gomez: Sir, iyong vlogger na si Florine pala at artistang si Zayn ang may-ari no’ng mga natatanggap mong invitation. Akala ko mga creepy na tao na! Ms. Gomez: Sir, narito pala ang asawa mo! Sobrang ganda. Ms. Gomez sent photos. Claude: Kaya pala nabosesan kita kanina nang kausap ko siya. Ms.Gomez: Hindi ko rin alam sir na siya ‘yon! Marami ngang humanga sa kanya! Naku! Nilampaso niya ang lahat sa entrance pa lamang. Ano pa no’ng rumampa siya?! Kinalma ko a

