Kaagad ding natapos ang halik na ‘yon at alam kong hindi niya ‘ko tinugon. “Kumain na tayo sa ibaba.” Nauna siyang bumaba sa ‘kin. Naiinis ako na hindi niya ‘ko pinapansin bahala nga siya sa buhay niya. Kumain kami nang sabay at nakahain na siya bago ko pa siya ipinaghain. Samantalang dati uupo lamang siya at hihintayin akong maghain. Hindi kami nag-uusap at wala nga ‘kong balak kausapin siya. “Tumawag si Blue, sabi niya’y dadalaw siya sa ‘tin,” sabi ko. Tumango siya. “Hinahanap din siya ni Angel.” “Kumakaunti ka na naman kumain.” Natigilan siya sa pagnguya. “Hmm?” “Hindi ka na naman naglalagay ng more than half a rice,” sabi ko. Malaking tao si Claude tapos gano’n lang kumain, ako nga diet na diet na pakiramdam ko no’n. Tiningnan niya ang kinakain niya. “Hindi ko napansin,”ani

