“Ano bang problema sa sinabi ko?” tanong ni Zayn kay Yuki. Naiirita rin siya dahil bakit nito kasama ang ex-husband nito? “Bakit mo ‘yon sinabi! Iyon ang problema ko!” sigaw ni Yuki rito. “What? Pero sa iyo galing ‘yon ‘di ba? Huwag mong sabihin na nagkakamabutihan na naman kayo?” Nagagalit na tanong ni Zayn. “Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa ‘yo! Will you please, leave?” Bago pa niya matalikuran si Zayn ay nahila na siya nito. “Kung ganoon nagiging maayos uli kayo? Hindi ka na ba nadala sa ginagawa sa ‘yo nang lalaking ‘yon?!” “Ano naman sa ‘yo? Hindi ba at may fiancée ka? Bakit hindi ‘yong fiancée moa ng puntahan mo nang puntahan?!” “Yuki, hindi siya kasama rito. Ang pinag-uusapan natin ay kayo ni Claude!” “Ang tungkol sa ‘min ay walang kinalaman sa ‘yo!” “Paanong w

