Chapter 100: Offer

2021 Words

“Hindi ka pa tatahan?” “Masama bang umiyak nang umiyak?” tanong ko kay Claude. Nasa couch na kami ng office niya at yakap-yakap ko siya habang umiiyak. “Isang oras ka nang umiiyak, baka makasama sa baby natin ‘yan!” Hinampas ko siya sa dibdib. “Anong baby ka diyan! Mamaya makatatlo ka na naman!” Natawa siya. Mas lalo ko nga siyang niyakap. Sobrang nakakapahinga ang pakiramdam kapag yakap mo talaga ang taong mahal na mahal mo. Naramdaman kong sinuklay niya ng kamay ang buhok ko. “Mahal mo pa ba ‘ko, Claude?” “Pang-dalawampung tanong mo na ‘yan—“ “Basta, sagutin mo na lang!” “Oo, mahal na mahal kita. Masasaktan ba ‘ko nang husto kung hindi? Nagkatotoo na ‘yong sinasabi mo dati na patay na patay ako sa ‘yo.” Bigla akong nangiti at bumangon. Pinunasan ko ang luha ko. “Sabihin mo d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD