Pinagtitinginan sila at tila gulat ang ekspresyon. Buhat ni Claude si Heaven pa at si Angel ay ka-holding hands nito. Si Hell naman ang hawak-hawak ni Yuki. “Daddy, ‘wag ka na mag barko,” sabi ni Angel. Si Heaven nilalambing lang si Claude. Dapat ay maipaliwanag niya kay Claude nang maaga ang problema kay Heaven para hindi na ito magulat. “Daddy! We will wait for you!” sigaw ni Angel nang makasakay na sa sasakyan at paalis na rin ito. “Yes, bye.” Nakangiti si Claude. Itinaas na lang ni Yuki ang kamay para magpaalam dito. Nang makaalis na sila nang tuluyan ay tuwang-tuwa si Angel at Heaven. Finally, na-meet na nga naman ng mga ito ang ama na palaging nasa barko at walang signal, iyon ang dahilan niya sa mga ‘to. Pumunta sila ng grocery para mamili for dinner. Pinahawakan niya si Hel

