Hindi pa rin ako makapaniwala na narito si Yuki uli sa ‘king harapan. Sa loob ng limang taon, nahirapan akong mag-move on. Dalawang taon do’n ay sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya. Pero kahit anong gawin ko, kahit sinong utusan ko, walang nakahanap sa kanya, para siyang naglahong parang bula kahit alam kong nasa Japan lang naman siya. Sabi ni Ruki, mayroon sa Japan na nagpapalit ng pangalan at dadalhin ka sa isang malayong probinsiya na tinatawag nilang ‘Night movers’ lahat daw ‘yon ay aasikasuhin ang lahat para maging isang bagong tao ka na namumuhay sa isang lugar. Pero malaki ang hinala kong ang nagtatago sa kanya sa ‘kin ay ang ama niya. Sinabi ni dad na hindi ako babalikan ni Yuki kung hindi ko lalong aayusin ang sarili ko. Matapos ang dalawang taon na halos patayin ko ang

