Madalas nang mainit ang ulo ni Claude. Hindi na muna kami naglalapit, good thing na nakapag-practice na kami no’n kaya may mga kantang smooth naman naming nagawa. Pero sumasabay talaga siya sa sama ng panahon. Madalas na lang akong nasa kuwarto o nakikikumpol sa iba para lamang ‘di kami magkasama. Alam ko kasing galit na naman siya sa ‘kin. Ganyan naman ‘yan basta hidni niya nakukuha ‘yong gusto niya. “Magaling ka talaga umarte, Yuki,” si Charles na inabutan ako ng isang buko na may straw. “Thanks,” nginitian ko siya. “Nag-practice din kasi ako ng mga lines kung gabi.” “Kapag sa ‘yo ang scene talagang kakaunti lang ang take kaya tuwang-tuwa si direk,” sabi niya. Napapansin kong panay ang dikit niya sa ‘kin. Hindi naman ako nag-iisip nang kung ano, iniisip ko lang na masyado siyang fri

