Nag-inat ako, napakaaga ng mga scenes ngayon. Alas-kuwatro pa lamang ay gising na kami. Naligo na ‘ko at bumaba na rin. Marami pang kulang pero ok lang kasi nakapagkape pa rin ako. Inayusan na rin ako ng make-up artist at binihisan ng para sa mga darating na scene. “Kumusta ang tulog mo?” Lumapit sa ‘kin si Charles. Umiinom pa siya ng kape no’n. “Ayon, sobrang kulang, pero okay lang patapos na rin naman tayo.” Nagkangitian kami. “Oo nga, sana marami pa tayong next project na pagsamahan.” “Sana nga,” sagot ko, kahit alam kong matagal na uli bago siguro ako umarte. Umikot ang paningin ko. Wala pa sila Claude. Mukhang pinasusundo na rin naman sila. Umalis muna ako dahil may kukunin ako sa kuwarto. Nakita kong bahagyang bukas ang pintuan ni Claude kaya sumilip ako. “Hoy, may

