Nasa kalagitnaan kami ni Claude nang paghiga sana nang marinig ko ang tilian ni Heaven at Angel na mukhang paparating. Kaagad kaming nagmadali ni Claude. Naiangat niya ‘yong short niya at naibigay sa ‘kin sa kalituhan ko naman ay naisuot ko ‘yon. “Claude! Wala kang short!” Hinubad ko ‘yon at nagpalit kami nang madampot niya ‘yong roba. Para kaming nakipagkarera sa oras at saktong pagbukas ay nakatayo na kami at nangiti sa dalawang makulit naming anak. “Mommy! Daddy! I’m done!” sabi ni Heaven. Nangiti ako nang alanganin. “Wow, next time kausapin ko ‘yang teacher ninyo, bakit nag take home pa kung easy lang naman,” sabi ko. Halatang nabigla talaga si Claude at pulang-pula pa rin. Pero inasikaso niya naman ‘yong mga bata at kinausap. “Mommy, Hell is asleep already,” sabi ni Angel sa ‘

