“Nasaan si Heaven at Angel, manang?” Alas-diyes nang linggo kami nakauwi ni Hell. Inaantok nga kaagad ‘yong batang ‘yon at nahiga sa sofa—antukin kagaya ng ama. “Isinama ng daddy nila, ma’am. Palagi naman silang kasama sa trabaho kahit no’ng pumapasok pa. Sabay-sabay na rin silang umuuwi.” Tumango-tango ako. “Hindi po ba pinahirapan ng mga bata si Claude?” Natawa ito. “Mukha namang masaya sila kahit minsan parang nagugulat siya sa mga bata.” Natatawang sabi ni manang. Nangiti naman ako. “Susunduin ko na at baka hindi na ‘yon makapagtrabaho nang maayos, napakadaldal pa naman ng mga batang ‘yon lalo si Heaven. Kumusta na pala si Heaven, manang?” “Tinuruan ko ang daddy nila na magpainom sa kanya ng gamot. Pinaliwanagan ko rin tungkol kay Heaven kapag ayaw mag-aral at gustong maglaro lan

