Kapipirma lang namin ng kontrata, hindi rin naman kami kaagad pinagsisimula dahil kailangan din namin ng pahinga. Iyong si Adam medyo naghihinala na ako sa kanya, paano feeling ko ang extra special ng treatment niya sa 'min dahil kay Blue. Hmmm? Pero alam ko ay may anak na ang Director ng GIANTS. Mukha namang hindi rin sila sobrang close ni Blue? Bakit nga ba ganyan si Blue? Sa amin friendly naman siya pati sa ibang tao na bago niyang kilala. Pero bakit nga pagdating kay Adam ay hindi siya friendly? I mean, nagkikita sila, nag-uusap, pero parang hindi siya nginingitian ni Blue nang madalas? Hmmm... Makakanta na nga lang! Solo ko naman ang kuwarto rito kaya todo concert ako. Naubos ko na yata lahat nang kanta ng Aegis, bago ako mapagod kumanta. Hihihingal pa ‘ko sa todo nang pagkaka

