Si Laurice na ang nasa harapan, confident si bruha. Ngiting-ngiti akala ata eleksiyon ang pinuntahan. May palingon-lingon pa kung saan-saan, parang bumabating kandidata. Pinagsimula na siyang kumanta in different emotion, ayun, nagawa naman niya, iba talaga kapag ahas magaling magpapalit-palit ng balat. Mukhang natuwa naman ang mga judges, tingin ko nakapag-prepare nang husto si Mareng Laurice. Ginalingan yata ang pagkanta gabi-gabi. “Yuki Sawajiri,” tawag na sa ‘kin. Nagulat pa ‘ko dahil akala ko ay sad ulo pa ‘ko. Pababa pa lang si Laurice no’n, mukhang shocked pa siya nang makita ako. Confident naman akong naglakad, as in open body, hindi ko hinayaan na magmukha akong underdog. Kung iyong ngiti niya kanina ay parang ngiti nang kandidata sa eleksiyon, ang ngiti ko ay pang Ms. Univ

