After a week, marami akong natutunan in terms of acting naman. Marami rin kaming mga acting session by partner, nakapares ko pa nga si Laurice at talagang hindi ako nagpatalbog sa kanya ‘no. Mukhang makikipagbalyahan talaga si Ate Laurice para lamang sa minimithing major role, dahil lang sa kagagano’n niya kaya gusto ko rin makuha ang major role, iniisip ko na kapag ako ang napili baka tumirik na ang mata niya. Ngayon na ‘yong araw na bibigyan kami ng mga roles at makikilala namin ang mga nasa mismong movie na. “Yuki, kumain ka muna.” Inabutan ako ng burger ni Lia, isa sa kasama ko. “Thanks,” nakangiti ko ‘yong tinanggap. “Natapos rin tayo, magandang experience ‘yon sa ‘kin, after this mag-e-enroll na ‘ko sa acting class para mas marami pa ‘kong matutunan.” “Pero magaling ka na,

