“Ano na naman ang ginagawa mo sa cellphone ko t ayaw mong bitiwan?” tanong ni Claude. “Wala, masama? Naghahanap ako nang ikagagalit ko gano’n,” sabi ko. Tiningnan ko siya at nangiti ako nang makitang topless siya’t nagpupunas ng towel. Pero nawala ang ngiti ko nang maalala ko na naman ang gusot na ginawa ko. Binalikan ko ang cellphone ni Claude, hindi ko talaga ‘to binibitiwan para hindi niya malaman ang katangahang ginawa ko. Hindi naman niya ‘ko gaanong pinansin. Nahiga lang siya sa kama pagkatapos niyang magpatuyo at nag gitara. “Ang assumingera naman kasi nitong si ate,” naiinis na bulong ko. Ano bang malay kong vlogger pala ‘to at marami pang followers. Well, maganda naman siya, Hindi ko alam naiinis na ‘ko dahil kumakalat ang issue, malalaman din ‘to ni Claude, pero wala pa nam

