Nakaupo si Claude at ang GZ, hindi ko malaman bakit ang tahimik nila. Pero ang nakakagulat si Claude pa ‘yong nakakakain at iyong tatlo parang nakikiramdam pa. Ako rin pala kumakain, masarap kasing kumain. “Uy, kain ka na! Mga favorite mo ‘to,” sabi ko kay Blue. Tiningnan niya ‘ko at nginitian. “Claude, babalik ka na ba?” tanong ni Takumi. Siyempre si Ruki at Blue maging ako ay nagulat. Masyado kasing mabilis at nakakagulat ang tanong, pero hindi naman ako puwedeng mamagitan. Sumubo ng lasagna si Claude at ngumuya muna. Hinintay namin ang magiging sagot niya, mukha naman siyang kalmado. Nang matapos siyang ngumuya ay uminom siya ng tubig. Parang nakapakahirap naman ng paghinga ngayon. “Bakit, namimiss mo na ba ‘ko?”” Nagulat kami sa sagot ni Claude. Lalo na si Takumi, napanganga

