Hindi alam ni Yuki kung ano ang isasagot dahil mukhang ang seryoso ng usapan nila. “Claude..." “Yuki, hindi ‘to unang beses, pinipilit ko namang hindi tayo magtalo nang mas matagal at mas malala pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Lalo ngayon, alam mong hindi ako komportable na nakakausap o nakaka-chat mo nga lang siya tapos malalaman kong magkasama na rin kayo sa iisang bahay?! At hindi ‘to ang unang araw, magtatatlong araw na siya sa inyo!” Nagsimula nang tumaas ang boses niya. “Pero wala naman kaming ginagawang masama, nasa iisang bahay man kami hindi naman kami magkakatabi at—“ “Iyon ba ‘yong punto ko rito, Yuki?” sinisigawan na niya ‘ko. “Claude, mag-asawa na tayo, iyong ganyang selos hindi na ‘yan dapat—“ “Yuki, mag-asawa na tayo pero mas honest ka pa sa ‘

