CLAUDE Walang luhang bumabagsak sa ‘kin. Parang nagdilim lang ang daigdig ko. Kumikilos naman ako, nakakadalo pa rin ako sa concert at fan meeting pero nananatili akong tahimik. Hindi naman ‘yon bago, ganoon naman ako madalas. Walang gabi na hindi ako nag-inom mag-isa, hindi ko kailangan ng karamay. Kung may gusto man ako ay si Takumi ‘yon pero naroon din siya at marahil ay sinasabi ring napakababaw kong tao. Minsan iniisip ko naman na napakababaw ko ngang talaga, bakit naman ‘yong iba kayang dalahin ‘to ng maayos? Bakit naman ‘yong iba kayang magtiwala nang husto? Bakit ang hirap sa ‘kin no’n? Bakit ang hirap-hirap alisin no’ng selos sa ‘kin? Pakiramdam ko nadudurog na ‘ko nang husto, at kung magtatagal pa ‘to baka wala na ‘kong maramdaman, namamanhid na ‘ko. Pakiramdam ko hindi na ‘

