Yuki “Anytime soon,” sabi ko sa GZ. Narito kami sa ‘ming hapunan. It’s been three months simula nang nawala si Claude. Ipinakita ko sa kanila ang singsing, alam na naman nila ang tungkol dito. “Yuki, gano’n kabilis?” tanong ni Takumi. Nangiti lang si Blue. “Kung saan ka magiging masaya, Yuki.” Nagpahid ako ng luha. “It will be a private wedding, hindi naman ibig sabihin no’n aalis na ‘ko sa grupo,” sabi ko sa kanila, alam ko na maaaring sumama ang kanilang loob dahil hindi ko matiis si Claude. “As long as you keep your promise, it’s okay, basta maging masaya ka at napag-isipan moa ng desisyon mo,” sabi naman ni Ruki. Tumango naman ako. “Salamat, kahit ako yata ang malas sa grupo ninyo,” idinaan ko ‘yon sa pagtawa. Nangiti rin sila. “Parang nga,” sabi ni Takumi. Lalo akong naiy

