Chapter 52: Fight

1676 Words

Tumawag si Claude nang gabing ‘yon pero nakatulog ako. Hindi ko siya nasagot at hindi ko alam kung bakit, siguro kasi naipit ko ‘yong phone ko kaya hindi ko narinig ang tunog niya or napagod lang din talaga ‘ko buong araw. Madaling araw ako nagising, siguro mga four na. Dahil hindi na ‘ko inaantok ay nag-message ako kay Claude. “Babe, nakatulog ako. Sorry, message ka na lang kung gising ka pa. Let’s video call.” Nang mai-send ko ‘yon ay bumaba ako para magtimpla ng kape. Naghanap din ako ng puwedeng kainin. Si Takumi, nasa sofa at tulog na tulog. Mukhang naparami ang inom. Nakita ko rin ‘yong jacket ni Ruki, kaya alam kong nakauwi na rin siya. Si Blue, kasabay ko ‘yong pumasok sa mga kuwarto namin. Mukhang inaantok na rin siya matapos kaming manood no’ng isang nakakaiyak na cartoons pero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD