Lumipas ang tatlong buwan, masaya naman kami ni Claude, hindi na nawawala ‘yong selosan. Dama ko rin na kapag hindi talaga kami physically attach sa isa’t isa mas malaki ang tiyansang nagseselos siya. Araw-araw gano’n pa rin ang routine ko kung wala kaming dapat gawin as a group—maglinis, maglaba, kumanta at magwala! “Yuki, may bisita ka!” Nagulat ako kay Takumi, naglilinis ako no’n at gulo-gulo pa nga ang basta ko lang itinali na buhok. “Bisita? Ako?” Lumabas ako para alamin kung totoo ang sinasabi ni Takumi. Nagulat ako nang makilala ‘yong kapapasok lang sa gate at may hawak na bulaklak. “Yuki, bumibisita ‘ko,” sabi ng ex kong si Jordan. Teka! Paano niya nalaman ‘tong lugar na ‘to? “O-oh, Jordan,” nangiti ako nang alanganin. “Paano mo nalaman ‘to?” Lumapit siya’t inabot sa ‘kin

